DOH inalerto publiko sa mga usong sakit tuwing tag-init

Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko nitong Sabado na mag-ingat sa mga usong sakit tuwing panahon ng tag-init, lalo na ang rabies.

Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko nitong Sabado na mag-ingat sa mga usong sakit tuwing panahon ng tag-init, lalo na ang rabies.

Sa isang news forum, iniulat ni DOH spokesperson Dr. Eric Tayag na 84 na ang nasawi sa bansa ngayong taon dahil sa rabies.

“Nasa 84 na ang namatay sa rabies this year, compared sa same period na 82,” aniya. “Ang rabies ay gumagapang ng one inch per day hanggang sa makapunta sa utak. Basta malapit sa utak [yung kagat], mabilis gumapang yung virus.”

Kaya naman, nagpaalala rin si Tayag sa mga may alagang aso at pusa na bakunahan laban sa virus ang kanilang mga alaga.

Bukod sa rabies, ilan pa umano sa mga usong problemang pang-kalusugan tuwing summer ang sunburn, sore eyes, ubo, sipon, sakit sa balat, at mga problema sa sikmura.

Nitong Biyernes, Marso 22, ay idineklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration o PAGASA ang pagsisimula ng dry season o tag-init.