DOH: Halos 1M bata sa BARMM nabakunahan na vs tigdas

Nabakunahan na laban sa tigdas ang halos isang milyong bata sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, base sa pahayag ng Department of Health (DOH).

Nabakunahan na laban sa tigdas ang halos isang milyong bata sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, base sa pahayag ng Department of Health (DOH).

Sinabi ng ahensya na nasa edad anim na buwan hanggang sa hindi lalampas sa sampung taong gulang ang nabigyan ng bakuna.

Ayon sa DOH at Bangsamoro Minister of Health (MOH), nasa 233,310 ang nabakunahan sa Maguindanao del Norte; nasa 229,960 ang bilang sa Sulu; habang nasa 190,217 naman ang bilang sa Maguindanao del Sur.

Sinabi ni Health Secretary Teodoro Herbosa na sa pamamagitan ng dedikasyon at pagkakaisa ay nakamit ang malaking bilang ng mga nabigyan ng proteksyon sa tigdas.

Dahil dito, asahan pa umano na bawat isa ay sisiguraduhin at sisikapin ng DOH na mabakunahan.

“Dedication, commitment, and unity have been instrumental in achieving this remarkable vaccination coverage, which undoubtedly contributes to safeguarding the health and well-being of our people, especially the young ones. We will leave no one behind, dahil sa Bagong Pilipinas, Bawat Buhay Mahalaga,” ani Herbosa.