DOH, ‘di suportado gluta drip pampaputi

Iginiit ng Department of Health (DOH) na hindi nito aprubado ang Injectable glutathione o gluta drip bilang pampaganda ng kutis.

Iginiit ng Department of Health (DOH) na hindi nito aprubado ang Injectable glutathione o gluta drip bilang pampaganda ng kutis.

Kasunod ito ng kritisismo sa akres na si Mariel Padilla matapos mag gluta drip session sa loob ng Senado.

Ayon sa DOH, wala pang nai-publish na clinical trials na sumusuri sa paggamit ng gluta drip para sa pagpapaputi at wala pa rin aniyang alituntunin para sa naaangkop na paggamit ng naturang regimen.

“The DOH does not support the use of glutathione for skin whitening,” saad ng DOH sa isang pahayag.

“Injectable glutathione is approved by the FDA (Food and Drug Administration) Philippines as an adjunct treatment in cisplatin chemotherapy. The FDA has not approved any injectable products for skin lightening,” dagdag pa nito.

Inulan ng batikos si Padilla kamakailan matapos i-post sa kanyang Instagram ang kanyang gluta drip session sa loob mismo ng opisina ng asawa niyang si Senador Robinhood Padilla.

Tinawanan naman ng Senador ang mga batikos sa kanyang asawa at sinabing nagp-promote lamang ito ng “good looks” at “good health”.

Pinuna naman ni Senador Nancy Binay ang insidente at kinuwestyon ang legalidad ng gluta drip.