DOH: Bumababa ang bilang ng Pinoy na nakakaranas ng epilepsy

Ibinalita ng Department of Health sa isang virtual event na halos 1% ng mga Pilipino ay may sakit na epilepsy, na katumbas ng 330–380 na kaso kada 100,000 katao.

Bumababa na ang insidente ng epilepsy sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa isang virtual forum noong Miyerkules, Setyembre 6, inanusiyo ng kagawaran na may 330 hanggang 380 kaso ng epilepsy sa bansa kada 100,000 Filipino—o katumbas ng 0.9 porsiyento ng populasyon ng Pilipinas.

Ito ay mas mababa sa datos na sumasaklaw sa buong mundo, kung saan tinatayang may 621 na kaso ng epilepsy sa bawat 100,000 katao.

Tinalakay ng kagawaran sa nasabing virtual forum ang sakit na epilepsy at ang tamang pamamahala nito sa mga bata. Ang epilepsy, ayon sa mga eksperto, ay ang pangalawa sa pinakamahirap na kondisyong neurological sa mundo, at ang paulit-ulit na mga seizure ang pangunahing sintomas nito.

“Seizure is the event, ito ‘yung sintomas na nakikita natin,” paliwanag ni Dr. Joyce Macasaet-Smith, vice president of external affairs ng Philippine League of Against Epilepsy.

Paliwanag ni Macasaet-Smith, maraming posibleng dahilan ang epilepsy, at kabilang riot ang brain tumor, stroke, genetic conditions, infections sa central nervous system, at traumatic brain injuries.

Payo rin ni Macasaet-Smith, importanteng humingi ng professional medical advice para sa mga batang may epilepsy upang mapanigurado ang matiwasay na quality of life.