DOH-Bicol, nilunsad ang bakunahan kontra flu para sa senior citizens, empleyado ng kagawaran

Isinagawa nitong Martes, September 19, 2023 ang Flu Vaccination para sa senior citizens, empleyado at mga dating empleyado ng Department of Health Bicol-Center for Health Development (DOH-CHD).

Mahigit sa isang-daang (100) indibidwal ang nabakunahan ng anti-flu vaccine o ng ‘Fluquadri.’