DOH bibili 141 bagong medical vehicles

Inaprubahan na ng Department of Budget and Management ang pagbili ng Department of Health ng 141 units ng medical vehicles.

Inaprubahan na ng Department of Budget and Management ang pagbili ng Department of Health ng 141 units ng medical vehicles.

Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, nasa P387 milyon ang inaprubahang Authority to Purchase Motor Vehicles (APMV) noong Hunyo11.

Kabilang sa mga bibilhin ang land at sea ambulances pati na ang passenger vans para sa patient transport.

Ayon kay Pangandaman, ang pagbili ng mga sasakyan ay bahagi ng Health Facilities Enhancement Program (HFEP) na naglalayong punan ang healthcare delivery gap.

“Improving the responsiveness of our healthcare system is crucial to ensuring timely and effective medical care for everyone, particularly in underserved and geographically isolated areas,” pahayag ni Pangandaman.

“The HFEP aligns with President Ferdinand R. Marcos Jr.’s commitment to providing efficient health services for all Filipinos,” dagdag ni Pangandaman.