DOH aksyon agad! Bakuna vs whooping cough parating na sa Hunyo

Inaasahang darating sa bansa ang hindi kukulangin sa isang milyong doses ng bakuna laban sa pertussis o whooping cough sa buwan ng Hunyo.

Inaasahang darating sa bansa ang hindi kukulangin sa isang milyong doses ng bakuna laban sa pertussis o whooping cough sa buwan ng Hunyo.

Ayon sa ulat ni Department of Health (DOH) Undersecretary Eric Tayag, na paparating palang ang bakuna para sa pertussis dahil kulang ang bansa sa mga bakuna laban sa iba’t ibang uri ng sakit.

Sa kasalukuyan, mayroon pa umanong natitirang ilang supply ng nasabing bakuna.

Sa ngayon, umabot na sa 453 kaso ng pertussis sa bansa, karamihan sa Metro Manila, sinundan ng Calabarzon at Eastern Visayas.

Nasa 367 dito ang kumpirmadong kaso at nasa bilang na 25 ang namatay dahil sa sakit.