Dog food daw! P85-M halaga ng ecstasy, naharang sa NAIA

Hindi nakalusot sa Central Mail Exchange Center ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang mga tableta ng ecstasy na idineklara bilang pagkain ng aso.

Hindi nakalusot sa Central Mail Exchange Center ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang mga tableta ng ecstasy na idineklara bilang pagkain ng aso.

Ayon sa ulat, galing sa The Netherlands ang parcel na naglalaman ng ecstasy na nagkakahalaga ng P85 milyon.

Dumating umano ito sa paliparan noong Marso 19.

Samantala, nahuli naman ang apat na indibidwal na kumuha ng parcel. Galing pa ang mga ito sa Cabanatuan, Nueva Ecija at may kasama pang opisyal ng barangay.

Patuloy na iniimbestigahan ang krimen.