DOF: Higit US$1 bilyong halaga ng official development assistance (ODA), gagamitin ng gobyerno para pagyamanin ang sektor ng agrikultura at pangingisda

Higit sa US$1 bilyong halaga ng official development assistance (ODA) ang nilagdaan ng gobyerno sa mga multilateral lender para pondohan ang mga programang magpapalago pa sa sektor ng agrikultura at pangingisda, ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno.

Lampas US$1 bilyon na halaga ng official development assistance (ODA) na magpopondo para sa pagpapalago ng sektor ng agrikultura ng bansa ang napagtibay ng gobyerno, ayon sa Department of Finance (DOF).

“Within the first year of the administration of President Ferdinand Marcos Jr., we have secured more than $1.6 billion in ODA financing for agriculture-related programs and projects,” ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno.

Kasama sa ODA financing ang US$500 milyong loan agreement ng Pilipinas sa Asian Development Bank (ADB) para sa Competitive and Inclusive Agriculture Development Program (Subprogram 2). Layunin nitong i-angat pa ang pagiging mapagkumpitensya at pagpapalawak ng saklaw ng sektor.

Umabot naman sa US$ 876 milyon ang halaga ng tatlong loan agreement na nilagdaan ng bansa sa World Bank (WB) para rin palaganapin pa ang sektor ng agrikultura at pangingisda.

Ang una kasunduan sa WB ay ang Mindanao Inclusive Agriculture Development Project (MIADP), na magpapalago sa agricultural productivity, resiliency and accessibility sa merkado at serbisyo ng mga organisadong magsasaka at mangingisda sa piling mga ancestral domain at mga piling value chain sa Mindanao.

Sumunod na kasunduan naman sa WB ang Philippine Fisheries and Coastal Resiliency (FishCoRe) Project, na naglalayon pagbutihin ang fisheries management, pagandahin ang produksyon ng isda, at i-angat ang kita ng piling mga komunidad.

Ikatlo at panghuling kasunduan sa WB ang Philippine Rural Development Project (PRDP) Scale-Up, na mag-aangat ng kakayahan ng mga magsasaka at mangingisda na magkaroon ng access sa merkado, itaas ang kita nila, at pagandahin ang kahusayan nito sa food supply chain.

Naka-angkla ang mga proyektong ito sa Philippine Development Plan (PDP) 2023-2028 na magpapasigla ng paglikha ng trabaho, at pabilisin ang pagsugpo sa kahirapan sa pamamagitan ng pag-unlad sa ekonomiya.