DOE: Brownout posible dulot ng El Niño

Posibleng magkaroon ng brownout dahil sa pagdami ng tao na nangangailangan ng kuryente at sa pagbigay ng mga power plants dulot ng El Niño.

Posibleng magkaroon ng brownout dahil sa pagdami ng tao na nangangailangan ng kuryente at sa pagbigay ng mga power plants dulot ng El Niño.

Ngunit nilinaw naman ni Department of Energy (DOE) Assistant Secretary Mario Marasigan na patuloy ang ahensya sa pagpapaigting ng kanilang contingency measures.

“How close are we to red alert, brownouts kapag meron tayong red alert? Well, there is a potential but as long as we have our contingency measures, maiiwasan pa rin natin,” ani Marasigan.

Sinabi ni Marasigan, gumawa na ng mga adjustment ang DOE dahil nangyari na ang kanilang pagtataya nang mas maaga.

Bukod pa riyan ay umabot na sa higit pa sa kanilang mga inaasahan ang demand sa kuryente.

“Normally kasi yung peak demand natin towards the last week or end of May or June. But for this year, it’s not only that the peak highest demands happened for the year happened on April 24, this surpassed our projection by almost 100 megawatts,” dagdag pa nito.

Samantala, nagdeklara ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ng yellow alert sa Luzon grid mula alas-2 ng hapon hanggang alas-5 ng hapon at mula alas6 ng gabi hanggang alas-11 ng gabi, habang nasa yellow alert din ang Visayas grid mula ala-1 ng hapon hanggang alas-4 ng hapon at mula alas-6 ng gabi hanggang alas-8 ng gabi.