Doble Kara! De Lima binanatan Duterte admin sa tinagong kasunduan sa China

Binatikos ni dating senador Leila de Lima ang nagdaang administrasyon matapos isiwalat ni ex-presidential spokesperson Atty. Harry Roque ang pakikipag-kasundo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa China.

Binatikos ni dating senador Leila de Lima ang nagdaang administrasyon matapos isiwalat ni ex-presidential spokesperson Atty. Harry Roque ang pakikipag-kasundo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa China.

Sa panayam ng Politiko kay Roque, ibinunyag nito na ang kasunduan ng Pilipinas at China noong panahon ni Duterte ay hindi magtatayo o mag-aayos ng ano mang istruktura sa West Philippine Sea (WPS) ang magkabilang-panig.

Dagdag pa ni Roque, ang pagdadala ng Pilipinas ng mga construction material sa BRP Sierra Madre ang dahilan kung bakit sila binobomba ng water cannon ng China.

Samantala, inilarawan ni de Lima na sinungaling ang nagdaang administrasyon dahil itinago umano ang kasunduan sa publiko.

“Roque’s revelation that Duterte had a ‘gentleman’s agreement’ with Xi Jinping not to repair BRP Sierra Madre two years after leaving Malacañang only shows the duplicity of the past administration because of the fact that the agreement was kept secret from the public,” saad ni de Lima sa kanyang post sa X (dating Twitter).

Ngunit paniniwala ni de Lima, malaya na dapat si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa naturang kasunduan.

“Regardless, BBM is not bound by such a secret agreement. A president cannot be bound by agreements secretly entered into by a predecessor for the simple reason that he has no way of complying with an agreement the details of which are subject to the recollection of those,” aniya.

Dagdag pa ng dating senador, hindi dapat pagkatiwalaan ang kasunduan dahil likas na sinungaling na umano si Duterte.

“Who knew about it, and therefore are highly unreliable. Parang utang lang yan na nilista sa hangin. In the end, a gentleman’s agreement heavily relies on the integrity of the parties, as the name implies,” dugtong pa ni de Lima.

“China should have known from the start that such an agreement with Duterte is useless, as he is definitely no gentleman, and even lies to, and deceives his own people.”