DND chief: ‘Pinas ‘di nangunguna sa kaguluhan sa WPS!

Binigyang diin ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro Jr. na hindi dapat sisihin ang Pilipinas sa tumataas na tensyon sa West Philippine Sea (WPS).

Binigyang diin ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro Jr. na hindi dapat sisihin ang Pilipinas sa tumataas na tensyon sa West Philippine Sea (WPS).

Sa naganap na bilateral meeting kasama si New Zealand Minister of Defence Judith Anne Collins, sinabi ni Collins na lubos umanong nakababahala ang nangyayari sa WPS.

Iginiit ni Teodoro na hindi naman ang ‘Pinas ang gumagawa ng tensyon.

“The Philippines is not the one causing the problem over there,” sagot nito.

Matatandaang kamakailan ay nagpatupad ang China ng bagong patakaran kung saan binibigyan nilang kapangyarihan ang Chinese Coast Guard na hulihin ang mga “trespassers” sa South China Sea, kasama na ang bahagi ng West Philippine Sea (WPS).

Bukod pa riyan ay ipinatupad din nila ang unilateral fishing ban na nakaaapekto sa mga Pilipinong mangingisda.