DND: AFP papalagan pambu-bully ng China

Nakahanda ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na salagin ang pangha-harass ng China sa West Philippine Sea.

Nakahanda ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na salagin ang pangha-harass ng China sa West Philippine Sea.

Ayon kay Department of National Defense (DND) Secretary Gibo Teodoro, nakahanda ang kasundaluhan na harapin ang ‘reckless behavior’ ng China.

“China’s dangerous and reckless behavior in the West Philippine Sea shall be resisted by the AFP,” wika ni Teodoro.

Aniya pa, klaro na ang China ang sagabal pada makamit ang kapayapaan sa South China Sea.

“It should now be clear to the international community that China’s actions are the true obstacles to peace and stability in the South China Sea,” aniya pa.

Napaulat na nagkaroon ng banggaan ng dalawang barko sa Ayungin Shoal, kung saan tinuturo ng China Coast Guard na ang barko umano ng Pilipinas ang sumalpok sa kanila.

Ngunit giit ng AFP, deceptive at misleading ang pinalalabas na impormasyon ng China.