DMW iuuwi labi ng mga OFW na namatay sa baha sa UAE

Nagsasagawa ng hakbang ang Department of Migrant Workers (DMW) upang maiuwi ang mga labi ng tatlong Overseas Filipino Workers (OFW) na namatay sa matinding baha sa United Arab Emirates (UAE).

Nagsasagawa ng hakbang ang Department of Migrant Workers (DMW) upang maiuwi ang mga labi ng tatlong Overseas Filipino Workers (OFW) na namatay sa matinding baha sa United Arab Emirates (UAE).

Sa pahayag ng DMW, ipinaliwanag na umano ng ahensya sa kanilang mga kamag-anak ang nangyari sa tatlong OFW.

“Migrant Workers Office – Dubai and the Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Office, in particular, met with the next of kin of the three OFWs. They explained the procedures needed to facilitate the repatriation of their remains back to the Philippines,” sinabi ng ahensya.

Nitog Biyernes lang ay naiulat na dalawang Filipina ang namatay nang maubusan ng hininga sa loob ng kanilang sasakyan dahil sa pagtaas ng baha noong Miyerkoles.

Ang ikatlong biktima naman ay isang lalaking OFW na nasawi matapos magkaroon ng malalang sugat nang mahulog ang kanyang sasakyan sa isang sinkhole.

Samantala. inayudahan na rin ng ahensya ang mga stranded na OFWs at iba pang Pilipino na naapektuhan ng pagbabago sa kanilang mga flight sa Dubai International Airport dahil sa masamang kondisyon ng panahon.