DMW handa sa epekto ng girian ng China, Taiwan

Nakahanda ang Department of Migrant Workers (DMW) sa posibleng epekto sa mga overseas Filipino worker (OFW) kapag lumala ang tensyon sa pagitan ng Taiwan at China.

Nakahanda ang Department of Migrant Workers (DMW) sa posibleng epekto sa mga overseas Filipino worker (OFW) kapag lumala ang tensyon sa pagitan ng Taiwan at China.

Ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac, patuloy ang pagmo-monitor ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) sa sitwasyon sa Taiwan.

“And, as always, we stand ready. In general, we have contingency plans and place. We stand ready in the event of contingency,” ayon kay Cacdac.

Ayon pa kay Cacdac, titingnan pa ang posibilidad ng mandatory repatriation para sa 153.000 Pinoy sa Taiwan.

“Sa karanasan depende iyon sa sitwasyon on the ground because as I said, may mga safety facilities and safety measures already on hand. Iyan ang first line of defense. And then, there are second and third lines that may pertain to repatriation, but I will not venture into that area at this stage,” saad ng DMW secretary.

Ilang armed vessel at eroplano na mula China ang namataan ng Taiwan sa kanilang katubigan simula pa noong Biyernes.

Ayon sa ilang report, hindi nagustuhan ng China ang pananaw ng mga bagong lider ng Taiwan na hindi kinikilala ang kanilang lugar bilang parte ng China.