Diwata inspirasyon sa kabataan, dapat gawing graduation speaker! – Tolentino

Naniniwala si Senate Majority Leader Francis Tolentino na dapat na magsilbing insporasyon sa mga Filipino ang may-ari ng sikat na paresan na si Diwata o Deo Balbuena.

Naniniwala si Senate Majority Leader Francis Tolentino na dapat na magsilbing insporasyon sa mga Filipino ang may-ari ng sikat na paresan na si Diwata o Deo Balbuena.

Sa bagong radio program na ‘Morning Chill’ sa DWAN 1206 AM, sinabi ni Tolentino na dapat na magsilbing speaker si Diwara sa mga graduation ceremonies.

Naging guest ni Tolentino si Diwata sa naturang radio program

Isinalaysay ni Diwata na hindi siya nakapagtapos ng elementarya. Pero kung bibigyan ng pagkakataon, sinabi nito na nais niyang makapagtapos ng pag-aaral.

“Ang maipapayo ko lang sa mga nag-aaral ngayon sir, Ituloy n’yo lang yung pag-aaral n’yo. Ako kasi, hindi ako nakatapos ng elementary. Pero sabi ko nga kung mabibigyan ako ng tyansa, bakit hindi?” tugon ni Diwata sa tanong kung ano ang maipapayo sa mga Kabataan.

“Mas maganda talaga, mas malaki ang lamang na makaahon sa kahirapan kung mayroon kang pinag-aralan. Ngayon, kung wala ka namang pinag-aralan, diskarte lang talaga yung magagawa mo. Pero depende na ‘yan sa magiging diskarte mo kung paano mo iaangat yung sarili mo,” pahayag ni Diwata.

Sa panig ni Tolentino, sinabi na kung may pagkakataon, niyang magsalita si Diwata sa mga graduation ceremonies.

“Alam mo kung meron lang akong kolehiyo ay iimbitahan kong speaker si Diwata para iyong mga kabataan natin ay ma-inspire na mag-negosyo.” Pahayag ni Tolentino.

Ibinunyag ni Diwata na nais niyang magkaroon ng franchise at magtayo ng 50 sangay ng Diwata Pares Overload.

Sa ngayon, dalawa na ang branch ng Diwata Pares Overload. Ito ay malapit sa Senate compound sa Pasay City at ang isa ay sa Quezon City.