Diwata bet makahalikan si Marvin Agustin

Usap-usapan kamakailan sa social media ang video kung saan makikita ang usapan ng viral pares vendor na si Diwata at celebrity-entrepreneur na si Marvin Agustin.

Usap-usapan kamakailan sa social media ang video kung saan makikita ang usapan ng viral pares vendor na si Diwata at celebrity-entrepreneur na si Marvin Agustin.

Kinagiliwan naman ito ng mga netizen dahil imbes na tips para sa negosyo ang pag-usapan, ay napunta sa posibleng pagkikita ng dalawa.

Hirit ni Diwata, “Ano pong pag-uusapan natin? Sayang, pagkakataon ko na sana maka-kissing scene ka!”

‘Yun nga lang, naudlot ang naging pag-uusap ng dalawa matapos mawalan ng signal si Diwata.

Kasabay nito, binigyang-diin ni Diwata na hindi na muna sila tumatanggap ng mga bagong aplikante dahil puno na sila at wala nang maipapasuweldo sa mga ito.