‘Diwata’ arestado sa Pasay

Inaresto ng pulisya si Diwata, na nakilala sa kanyang hit pares overload, noong Martes, April 16.

Inaresto ng pulisya si Diwata, na nakilala sa kanyang hit pares overload, noong Martes, April 16.

Si Diwata ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest sa kasong slight physical injuries noon pang 2018.

Kinumpirma ng Pasay police ang pagkaaresto kay Diwata, na Deo Balbuena ang tunay na pangalan.

Samantala, kaagad ding nakalaya si Diwata matapos itong magpiyansa ng P3,000.

Si Diwata ay nakilala sa kanyang viral na paresan na nakapwesto sa Diokno Boulevard sa Pasay.