Divorce bill, tinatalakay sa Kongreso

Inumpisahan na Kamara de Representante ang pagtalakay sa House Bill 9349, ang panukalang batas magsasalegal sa divorce sa bansa.

Inumpisahan na Kamara de Representante ang pagtalakay sa House Bill 9349, ang panukalang batas magsasalegal sa divorce sa bansa.

Sa kanyang sponsorship speech sa House Plenary ngayong araw, sinabi ni House Assistant Minority Leader at Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas na ang pagpasabatas sa divorce ang magiging proteksyon at daan ng kababaihan tungo sa panibagong buhay matapos matali sa mapang-abusong asawa.

“The bill seeks to restore divorce as a rights-based option for majority of Filipinos, an option based on the recognition that the right to enter into a marriage contract has the corresponding spousal right to end such contract when it has reached the point of irreparability,” paliwanag ni Brosas.

Dagdag pa ng mambabatas, hindi magiging dahilan ang divorce sa pagkasira ng mga relasyon.

“It is merely offering another option to spouses who may or may not resort it. It retains the existing remedies of legal separation, declaration of nullity of the marriage, and annulment and only adds divorce as one more remedy,” giit pa ni Brosas.