Diskwento sa toll ng mga nakatatanda at PWD, ipapatupad rin sa tulong ng gobyerno

Tiniyak ng San Miguel Corp. (SMC) na gagawa ang kumpanya ng paraan upang maipatupad ang senior citizen at persons with disability (PWD) discount sa mga expressway na pinapangasiwaan nito.

Tiniyak ng San Miguel Corp. (SMC) na gagawa ang kumpanya ng paraan upang maipatupad ang senior citizen at persons with disability (PWD) discount sa mga expressway na pinapangasiwaan nito.

Sinabi ni dating public works undersecretary Rafael Yabut, na siyang namumuno sa mga expressways ng SMC, na nakikipag-ugnayan ang kumpanya sa Toll Regulatory Board para ipatupad ang naturang diskwento para sa mga nakatatanda at PWD.

Ang kumpanyang SMC ang nangangasiwa sa operasyon ng mga expressway tulad ng South Luzon Expressway, Southern Tagalog Arterial Road (STAR), Skyway System, NAIA Expressway, at Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway.

Sang-ayon rin si Yabut sa suhestiyon ni Albay Rep. Joey Salceda na gawing add-on na lamang sa radio frequency identification (RFID) card o bigyan ng karagdagang load ang mga senior at PWD.

“In other words, it would be an add-on. If you buy P5,000, you get P6,000, or P1,000 more, which is equivalent to 20 percent. There is no loss on the part of the expressway/skyway operator,” sabi ni Salceda, na pinamumunuan ang imbestigasyon ng committee on ways and means, committee on senior citizens, at special committee on PWDs.

Samantala, wala namang representante sa nasabing hearing ang Metro Pacific Investments Corp., na siya naming nangangasiwa sa North Luzon Expressway, Subic-Clark-Tarlac Expressway, Cavite-Laguna Expressway, Cavite Expressway, at NLEX-SLEX Connector.

Ang isinasagawang imbestigasyon ng Kamara ay bunsod ng mga ulat na may mga establisyimentong hindi nagpapatupad ng tamang discount para sa mga senior at PWD.