Diskwento at perks, kasado para sa lahat ng manggagawa ng gobyerno ngayong Setyembre para sa ika-123 na Philippine Civil Service Anniversary

Special deals at discounts, at iba’t ibang mga aktibidad ang ikinasa ng Civil Service Commission (CSC) para sa lahat ng kawani ng gobyerno ngayong Setyembre sa pagdiriwang ng ika-123 na Philippine Civil Service Anniversary (PCSA).

Special deals at discounts, at iba’t ibang mga aktibidad ang ikinasa ng Civil Service Commission (CSC) para sa lahat ng kawani ng gobyerno ngayong Setyembre sa pagdiriwang ng ika-123 na Philippine Civil Service Anniversary (PCSA).

Inanunsyo ni CSC chair Karlo Nograles na nakipagsanib-pwersa ang komisyon sa mga pribadong establisyemento para mabigyan ng ekslusibong perks at freebies ang 1.9 milyong aktibong mga manggagawa sa gobyerno, at maging ang mga retirado sa serbisyo bilang pagkilala sa kanilang paglilingkod sa bayan.

“Inihanda natin itong special treats bilang pasasalamat sa ating mga kawani. Talaga namang hindi matatawaran ang inyong mga sakripisyo upang matugunan ang pangangailangan at mabigyan ng dekalidad na serbisyo ang publiko anumang oras. Salamat po sa inyo,” sinabi ni Nograles sa isang pahayag.

Ayon sa CSC, maaaring magamit ng mga manggagawa sa gobyerno ang mga diskwento sa mga lalahok na partner ng komisyon tulad ng mga hotel at resort, amusement facilities, restaurants, health and wellness facilities, pamilihan, at mga travel agencies.

According to the CSC, for the whole month of September, government employees may avail of discounts from public and private sector partners in accommodations, amusement facilities, food orders, health and wellness facilities, retail outlets, service providers and travel agencies.

Para nakakuha ng discount, kailangan lamang i-prisinta ng kawani ng gobyerno ang kanilang government agency ID o ang kanilang UMID card.

Bukas rin ang mga benepisyo para sa mga job order at contract of service workers sa gobyerno. Kailangan lang nila ipakita ang kanilang government agency ID card.

Para sa buong listahan ng mga lalahok na establisyemento sa PCSA, puntahan ang PCSA microsite o sa CSC Facebook Page.