Diskusyon sa Cha-cha, tutukan na – Salceda

Umaasa si Albay 2nd District Rep. Joey Salceda na makakausad na ang talakayan tungkol sa Charter change o Cha-cha matapos ilabas ng Commission on Elections (Comelec) ang desisyon nito hinggil sa withdrawal ng pirma sa people's initiative (PI).

Umaasa si Albay 2nd District Rep. Joey Salceda na makakausad na ang talakayan tungkol sa Charter change o Cha-cha matapos ilabas ng Commission on Elections (Comelec) ang desisyon nito hinggil sa withdrawal ng pirma sa people’s initiative (PI).

Nitong Huwebes, inaprubahan na ng Comelec ang ‘withdrawal form’ para sa mga nais iatras ang kanilang boto sa PI.

At dahil may desisyon na ang Comelec hinggil sa pangangalap ng pirma para sa PI, dapat na umanong pagtuonan ng pansin ang usapin hinggil as Cha-cha, ayon kay Salceda.

“The withdrawal is up to the proponents and accepting it is up to the Comelec. [There is not much else] to comment as far as procedure is concerned – all of that is in order. Both the initiative and the withdrawal are [by] the law,” saad ng mambabatas.

“Now, hopefully, we can focus on a discussion of Charter change based on the merits alone. At least now, questions of motive or origin of the People’s Initiative can no longer be used as an excuse or distraction from the simple truth that we need to open up,” dagdag pa niya.

Ang Cha-cha ay naglalayong repasuhin ang mga economic provision sa ilalim ng 1987 Constitution.

Samantala, ang mga withdrawal form ng PI ay makukuha sa mga tanggapan ng Comelec.