Disgrasya! 54-anyos dedbol nang malunod sa Albay

Nasawi ang isang 54-anyos na lalaki nitong Martes matapos malunod sa dagat sa Bacacay, Albay.

Nasawi ang isang 54-anyos na lalaki nitong Martes matapos malunod sa dagat sa Bacacay, Albay.

Kinilala ng Bacacay Police ang nasawi na si Gerry Balolo, 54-anyos, residente ng Purok 2, Brgy. San Pedro, Bacacay, Albay.

Base sa imbestigasyon, nagkayayaan umano sina Balolo at kanyang mga kaibigan na maligo sa dagat at mag-inuman.

Namalayan na lang umano nila na nasa malayong bahagi na ng tubig ang biktima, kung saan nangyari ang disgrasya.

Dinala pa ito sa ospital subalit binawian din ito ng buhay.