Disaster council sa Bicol naka ‘blue alert’ sa Semana Santa

Isasailalim sa "blue alert" ang lahat ng disaster council sa Bicol bilang paghahanda sa darating na Semana Santa, ayon sa Bicol Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC).

Isasailalim sa “blue alert” ang lahat ng disaster council sa Bicol bilang paghahanda sa darating na Semana Santa, ayon sa Bicol Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC).

Ang “blue alert” status ay para matiyak na nakahanda ang lahat ng unit sa kanilang lugar.

Ito rin ang ikalawang antas ng alerto para sa RDRRMC Bicol EOC para mapalakas ang operasyon, pagmomonitor, koordinasyon, at pag-uulat.

“The Bicol RDRRMC Emergency Operation Center (EOC) added the Semana Santa (Holy Week) 2024 for our incident monitoring under blue alert status. The RDRRMC Bicol is also in blue alert status for the continuous monitoring of Mayon Volcano and Bulusan Volcano (both under alert level 1),” pahayag ni Office of Civil Defense (OCD) Regional Director at Bicol DRRMC chair Claudio Yucot.

Samantala, tuloy din ang mga ahensya ng pambansang pamahalaan sa pagpaplano para masiguro na ligtas ang mamamayan sa pagdiriwang ng Semana Santa.