Direk Cathy: Daniel ‘di kayang harangan ‘Hello, Love Goodbye’ Part 2

Nilinaw ng direktor na si Cathy Garcia-Sampana ang mga intriga na ang aktor na si Daniel Padilla ang dahilan ng pagkakaudlot ng sequel sa pelikulang "Hello, Love, Goodbye".

Nilinaw ng direktor na si Cathy Garcia-Sampana ang mga intriga na ang aktor na si Daniel Padilla ang dahilan ng pagkakaudlot ng sequel sa pelikulang “Hello, Love, Goodbye”.

Ito ang box office movie na pinagbidahan ng kaniyang ex-girlfriend na si Kathryn Bernardo, at Alden Richards.

Sa isang panayam ay naitano kay Direk Cathy kung totoo bang magkakaroon sana ng part 2 ang naturang pelikula.

Sagot naman ng direktor, “Hindi naman po, ito po ay talagang matagal na ring pinag-iisipan, ang part 2. Kaya lang maraming nangyari. Nagka-pandemya… Hindi lang talaga natuloy. Hopefully ’no, with God’s permission, matuloy na siya finally.”

Dito na naisingit ang tungkol kay Daniel na siya umanong dahilan kung bakit hindi natuloy ang pelikula.

“Hindi naman si Daniel, kasi hindi naman kayang hadlangan ni Daniel ang ganung kalaking proyekto,” paglalahad ng batikang direktor.

“Saka si Kathryn naman ay may sariling isip. So ’pag gusto niya, gusto niya,” aniya pa.

Maugong ang balita na kaya matagal nasundan ang tambalang KathDen ay dahil sa umano’y pagbabanta ng noo’y boyfriend na si Daniel na hihiwalayan ang aktres kapag tinuloy ito.