Diplomats, nag-tour sa Malacañang

Bumisita at nag-ikot ang mga diplomat at kinatawan ng ibang bansa sa Palasyo ng Malacañang ngayong araw.

Bumisita at nag-ikot ang mga diplomat at kinatawan ng ibang bansa sa Palasyo ng Malacañang ngayong araw.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), ang guided tour para sa mga diploma ay bahagi pagsisikap ng pamahalaan na palakasin ang kasaysayan at kultura ng bansa.

Inikot ng mga diplomat ang pinakamakasaysayang tahanan sa bansa at iba pang atraksyon nito tulad ng Goldenberg Mansion at Teus Mansion.

Nagpatuloy ang tour sa Bahay Ugnayan, na isang museo na nagpapakita ng daan ng Pangulo patungong Malacañang.

Ang tatlong makasaysayang tahanan ay naibalik bilang mga museo, na bukas sa publiko at walang bayad.

Nagkaroon din ng sorpresang pagbisita sa bagong-restore na Laperal Mansion, na itinuturing na crown jewel ng grupo ng mga tirahan.

Ang Laperal Mansion ay nakatakdang magsilbi bilang opisyal na presidential guest house para sa mga dayuhang pinuno ng estado o pamahalaan.

Noong Mayo ng nakaraang taon, pinangunahan ni Pangulong Marcos ang pagbubukas ng “Malacañang Heritage Tours.”

Sinabi ng PCO na ang Malacañang Heritage Tours ay magbibigay ng natatanging pagkakataon para sa mga indibidwal na naghahanap ng mas malalim na pagpapahalaga sa mga kahanga-hangang nakaraan at kilalang mga pinuno ng Pilipinas.