Diplomasya, hindi giyera: PBBM, umapela na itigil na ang karahasan sa Israel

Iginiit rin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kahalagahan ng kapayapaan sa pag-unlad, kung kaya't umaasa siyang bibigyan ng Israel at Hamas ng pagkakataong manaig ang diplomasya.

Hinikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lahat ng sangkot sa labanang Israel at Hamas na tigilan na ang karahasan at bagkus ay magkaroon na lamang ng diyalogo at pairalin ang diplomasya.

“The Philippines is deeply concerned about the rising number of victims and the safety of all persons, as well as the dire humanitarian consequences of the conflict in Israel and in Gaza,” saad ni Marcos sa kaniyang his intervention sa unang Association of Southeast Asian Nations-Gulf Cooperation Council Summit sa Riyadh, Saudi Arabia.

Umaasa naman si Marcos na bukas sa diplomasya ang lahat.

“We hope that all parties will exert their utmost efforts to de-escalate the situation, stop all violence, and engage in dialogue and diplomacy,” sabi pa niya.

Matatandaang maraming sibilyan na ang nadadamay sa giyera ng Israel at Hamas, kabilang na ang ilang Pilipino.

Sa katunayan, apat na Pilipino na nga ang kumpirmadong patay dahil sa karahasan sa Israel.

“Peace and stability are indispensable to ensuring continued prosperity in our respective regions and of the world,” paalala pa ng pangulo.