Diokno: Gobyerno, magsasauli ng US$320-M na sobrang utang sa World Bank

Magsasauli ng pera ang gobyerno sa World Bank dahil sobra-sobra ang inutang nito para tustusan ang programa laban sa COVID-19 pandemya.

Nakatakdang magsauli ng pera ang gobyerno sa World Bank na nagkakahalaga ng US$320 milyon na bahagi ng inutang nito para pondohan ang mga programa para sa COVID-19 pandemic response, ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno.

“Mga $320 million, ‘yung excess sa pandemic,” ani Diokno sa panayam.

The Philippines is set to return to the World Bank about $320 million in excess loans for the country’s COVID-19 pandemic response, according to Finance Secretary Benjamin Diokno. “Ang advice ng World Bank isauli na lang, then come up with a new program.”

Humarurot ang nakalipas na administrasyon sa paghiram ng pondo para tustusan ang mga programa na pinatakbo ng gobyerno laban sa COVID-19 pandemic.

Lumobo ang utang ng bansa sa 63.5 porsyento dahil dito. Ito ang pinakamataas na antas ng utang sa loob ng 17 na taon, at lagpas sa internationally recommended threshold na 60 porsyento.

Gagamitin sana ang inutang na pondo para pambili sa bakuna, ayon sa opisyal.

“Pambili sana ng vaccine. [Pero] marami nag-donate sa atin ng vaccine,” he said.

Sumulat na ang kagawaran sa World Bank upang ipaalam ang intensyon ng gobyerno na magsauli ng pera, dagdag pa niya.

“We’ve written already. Soon, within the month,” sinabi ni Diokno.