Diocese of Pasig, inilarga kampanya para ideklarang Santo si “Ka Luring”

Inilunsad ng Diocese of Pasig ang isang kampanya na naglalayong maging santo ang dating katekista na si Laureana “Ka Luring” Franco.

Inilunsad ng Diocese of Pasig ang isang kampanya na naglalayong maging santo ang dating katekista na si Laureana “Ka Luring” Franco.

Ayon kay Bishop Mylo Hubert Vergara, sumulat sa kanya si Erickson Javier, Doctor of Ministry, upang simulan ang prosaso sa beatification ni Ka Luring. Si Javier ay Postulator of the Causes of Beatification and Canonization of the Servant of God.

Dahil dito, nananawagan si Vergara na sinumang may mga dokumento na makakapagbigay ng karagdagang impormasyon sa buhay ni Ka Luring ay makipag-ugnayan kay Father Joeffrey Brian Catuiran at sa Tahanan ng Mabuting Pastol Sta. Clara de Montefalco Compound sa Pasig City.

“The Diocese of Pasig is proposing a candidate for Sainthood in the person of the Servant of God, Laurena ‘Ka Luring’ Franco of Hagonoy, Taguig City,” pahayag ni Vergara.

“With this Circular Letter, I invite all the People of God in the Diocese of Pasig to participate in the tedious process of bringing to light the life and heroic virtues of a legendary catechist to Sainthood. I invite all the faithful to provide me with helpful information regarding the cause of Ka Luring,” dagdag pa niya.

Si Ka Luring ay ipinanganak noong Hulyo 4, 1936 at pumanaw noong Oktobre 17, 2011. Taong 1990 nang gawaran siya ng noo’y Santo Papa na si Saint John Paul II ng Pro Ecclesia et Pontifice (For Church and Pope). Noong 2002 naman ay tumanggap siya ng Mother Teresa Award, na binibigay lamang sa mga indibidwal at organisasyon na nagpapalaganap ng kapayapaan, pagkakapantay-pantay at hustisya.