Dinedma subpoena! Apollo Quiboloy pinaaresto na ni Risa Hontiveros

Pinadadampot na ni Senadora Risa Hontiveros si Pastor Apollo Quiboloy matapos na hindi dumalo sa hearing sa Senado para sumagot sa mga reklamo laban sa kanya.

Pinadadampot na ni Senadora Risa Hontiveros si Pastor Apollo Quiboloy matapos na hindi dumalo sa hearing sa Senado para sumagot sa mga reklamo laban sa kanya.

Sa hearing ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, nagpaabot ng liham si Quiboloy na idinaan sa kanyang abogado.

Ayon sa legal counsel ni Quiboloy, inirereklamo nila ang subpoena dahil labag umano ito sa constitutional rights ng pastor.

Ngunit hindi pumasa ang dahilan ni Quiboloy kay Hontiveros, kaya naman pina-cite in contempt na ito ng mambabatas para mapilitan nang humarap sa Senado ang kontrobersyal na pastor.

“If we allow witnesses of the Senate to simply claim that appearing before a committee would violate his or her constitutional right to be presumed innocent and his or her right against self-incrimination, wala na pong kapangyarihan ang ating Senado maglunsad ng mga imbestigasyon!” ayon kay Hontiveros.

Ni-request ni Hontiveros kay Senate President Miguel Zubiri na arestuhin si Quiboloy.

“This committee requests the Senate President to order his arrest so that he may be brought to testify,” lahad ni Hontiveros.