DILG: Simulan na ang turnover ng pagmamay-ari, pera ng mga barangay, SK

Pinasisimulan na sa mga opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan sa buong bansa ang pag-imbentaryo ng pagmamay-ari at pera nito para siguruhin maayos ang turnover pagkatapos ng halalan sa susunod na buwan, ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ipinagutos na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) simulan ang pag-imbentaryo ng mga pagmamay-ari ng mga barangay, kasama ang mga accountability sa pera nito, para masiguro ang maayos na transition pagkatapos ng halalan ng barangay at Sangguniang Kabataan sa susunod na buwan.

“In the past, there was no proper turnover of the properties of the barangays,” ayon kay Interior Undersecretary Marlo Iringan.

Sinabi rin ni Iringan na hanggang Nobyembre 30 ang termino ng mga kasalukuyang opisyal ng barangay at SK.

Samantala, iginiit ni Iringan na tuloy pa rin ang halalan sa Negros Oriental, kahit na may nakabinbing petisyon na ipagpaliban ito.

“Comelec and the Philippine National Police (PNP) continue to assess the situation in different areas in the country in case they see a justifiable reason (to postpone the election) but as of now there is no decision yet in Negros Oriental,” ani Iringan.

Dagdag pa ng opisyal na kinukunsiderang areas of concern ng Philippine National Police (PNP) ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao at Abra.

“Last week, a violent shooting in the province of Abra was reported. It is very unfortunate, that’s the reason why the PNP is continuously monitoring the situation not only in Abra but in other parts of the country,” ani Iringan.