DILG sa Ombudsman: Mayor Alice Guo suspendehin muna

Hinimok ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa Ombudsman na suspendehin muna si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Hinimok ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa Ombudsman na suspendehin muna si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Ito’y dahil sa umano’y kaugnayan ng alkalde sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa nasasakupan ni Guo.

“Based on the report, there are troubling findings of serious illegal acts which may have severe legal implications,” ayon kay DILG Secretary Benhur Abalos.

“The DILG recommended to the Ombudsman the issuance of a preventive suspension against Mayor Guo, to prevent any influence on the continuing investigations of our and other agencies,” saad pa.

Abot sa 165 na Chinese national ang nahuli sa isang POGO hub sa Bamban, Tarlac. Idineport na ang mga ito noong Martes, May 14.

Samantala, iginiit naman ni Guo na wala siyang kinalaman sa operasyon ng POGO sa kanilang lugar.

“My family already had money and a livelihood even before I entered politics, so I do not need to enter into any of the illegal activities happening in POGO,” saad ni Guo.