DILG: P10M pabuya sa makakapagturo ng hideout ni Quiboloy

May alok na P10 milyong pabuya ang Department of Interior and Local Government para sa sino mang makapagbibigay ng impormasyon sa kinaroroonan ni Pastor Apollo Quiboloy.

May alok na P10 milyong pabuya ang Department of Interior and Local Government para sa sino mang makapagbibigay ng impormasyon sa kinaroroonan ni Pastor Apollo Quiboloy.

Wanted si Quiboloy dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 7610 o Anti-Child Abuse Law dahil sa maltreatment at sexual abuse sa mga menor de edad.,

“Gusto ko pong i-anunsyo sa mga nanunuod at nakikinig na meron tayong mga kaibigang gustong tumulong sa paghahanap sa kanila at nag-ooffer ng reward ng P10 million for any information leading to the arrest of Pastor Quiboloy,” pahayag ni Abalos.

Tig P1 milyon naman ang pabuya ng DILG sa iba pang akusado.

Matatandaang nagpalabas na ng warrant of arrest ang Davao Regional Trial Court laban kay Quiboloy at mga kapwa akusado na sinaCresente Canada, Paulene Canada, Ingrid Canada, Sylvia Camanes at Jackiely Roy.