Digong nabahag buntot sa Congress hearing sa war on drugs?

Bagama't sinabing hindi siya takot, hindi dadaluhan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang ikinasang pagdinig ng Kamara sa war on drugs.

Bagama’t sinabing hindi siya takot, hindi dadaluhan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang ikinasang pagdinig ng Kamara sa war on drugs.

Ito ang kinumpirma ng kanyang dating spokesperson Harry Roque matapos imbitahan ng House Committe on Human Rights na magbigay ng kanyang depensa sa kanyang madugong giyera kontra ilegal na droga.

“Our former President firmly believes that the Lower House is not the proper forum to investigate any criminal allegation against him,” diin ni Roque.

Saad ni Roque, sasagutin lamang ni Digong ang mga paratang kung may pormal ng reklamong ihahain laban sa kanya sa’n mang korte sa bansa.

“Tatay Digong is unafraid to face all his accusers in any domestic court. He will cooperate and participate in any criminal investigation, provided that Filipino prosecutors conduct the proceeding,” dagdag ni Roque.

Kasalukuyang pinapaimbestigahan ng International Criminal Court (ICC) si Digong kasama ang dating PNP Chief at Senador Bato Dela Rosa at iba pang personalidad sa paglabag sa karapatang pantao sa gitna ng war on drugs ng dating administrasyon.