Digong, Bong Go kinasuhan ng plunder ni Trillanes!

Sinampahan ng kasong plunder ni dating Senador Antonio Trillanes IV sina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Senator Christopher Lawrence “Bong” sa Department of Justice.

Sinampahan ng kasong plunder ni dating Senador Antonio Trillanes IV sina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Senator Christopher Lawrence “Bong” sa Department of Justice.

Ito ay may kaugnayan sa pagkakaloob nina Duterte at Go ng mahigit 100 government contract sa kompanya ng ama at kapatid ni Go na nagkakahalaga ng P6.6 bilyon.

“All the elements of plunder are clearly present in this case. Mr. Bong Go, in conspiracy with Mr. Duterte, used his position, authority and influence to corner billions worth of government projects in favor of his father and brother, thus unduly enriching himself and the members of his immediate family. The evidence presented in the complaint is compelling and warrants a plunder charge,” pahayag ni Trillanes.

Partikular na tinutukoy ni Trillanes ang mga kontrata noong 2007 hanggang 2018 sa CLTG Builders na pag-aari ng ama ni Go na si Deciderio Go.

Nakuha aniya ng ama ni Go ang 125 na kontrata na nagkakahalaga ng P4.9 bilyon.

Nakuha naman ng Alfrego Builders nap ag-aaari ng kapatid ni Go na si Alfredo Go ang 59 na kontrata na nagkakahalaga ng P1.74 bilyon.

Ayon kay Trillanes, ang dalawang kompanya ay parehong kulang sa contractor’s license para magsagawa ng large-scale projects.

Kinasuhan ni Trillanes sina Duterte at Go sa paglabag sa Republic Act No. 7080 (The Anti-Plunder Act), Republic Act No. 3019 (The Anti-Graft and Corrupt Practices Act), at Republic Act No. 6713 (The Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees).

“During Duterte’s time, he and his cohorts used their power and influence to plunder government coffers. Now is the perfect time to make them accountable. This is just the beginning, there are more cases to file against them,” pahayag ni Trilanes.