Digital transformation para sa Bagong Pilipinas! US$600-M loan para sa digitalization ng gobyerno ng Pilipinas, inaprubahan ng World Bank

Magagamit ang loan program para isulong ang digital transformation ng gobyerno at mga kaakibat na polisiya sa paglikha ng angkop na digital infrastructure, ayon sa World Bank.

Inaprubahan ng World Bank ang isang US$600-milyong policy loan financing scheme para pondohan ang digitalization initiatives ng gobyerno ng Pilipinas.

Sa isang pahayag, sinabi ng World Bank na pasado na sa kanilang board of executive directors ang loan para sa First Digital Transformation Development Policy Loan ng gobyerno.

Tutulong ang loan program para itaguyod ang digital transformation ng gobyerno, at paglikha ng mga polisiya sa digital infrastructure. Magagamit rin ang pondo para palawakin ang financial inclusion sa pamamagitan ng digital finance at palakihin ang saklaw ng digital services.

“Greater adoption of digital technology can improve the efficiency and transparency of government services, empowering individuals who were previously far away from decision-making centers,” ayon kay Ndiamé Diop, World Bank country director for Brunei, Malaysia, the Philippines, and Thailand.

“Digitalization can also drive productivity growth, by reducing operating costs for firms and enhancing their resilience and preparedness for future crises,” dagdag pa niya.