Digital ID good, but plastic card betterer! DICT, magpapalabas ng digital version ng national ID habang ginagawa pa ang physical card nito

Kailangan pa rin ang physical ID ng mga Pilipino kumpara sa mas convenient na digital ID, ayon kay Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy.

Hindi pa rin basta-basta mahihimok ang mga Pilipino patungo sa mga digital ID kahit na halos magiging magkasabay ito sa pag-release ng mga physical ID, ayon kay Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy.

Tinanong si Uy ng kanyang pananaw matapos mangako kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na inaapura na ng kagawaran ang pag-release ng national ID.

“As far as we’re concerned po, we’re doing this in parallel because the public has grown impatient… Medyo, I think four years na po o five years ‘no delayed iyong—kayo, wala pa kayong mga ID ninyo. So medyo… the public has grown impatient and they don’t want to wait forever to get the physical ID. So, kaya sabi namin, i-parallel na natin,” ayon kay Uy.

“So habang they’re taking their time to do the physical printed ID ay we will also deploy our digital ID dahil mas mabilis po ito. Ang objective po namin, sana may magandang Christmas gift ang ating mga kababayan na by end of the year eh ma-deploy natin significantly iyong digital ID,” dagdag pa ng kalihim.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), nakapagpalabas na ito ng higit sa 70 milyon na national ID noong Hunyo 2023.

PSA ang nangangasiwa sa registration para sa national ID.