DICT, tinutugis ang mga bagsak-presyo na text blast machines na ginamit noong nakalipas na halalan

Tinutugis na ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang mga text blast machines na ginamit noong 2022 national elections na tila bagsak presyo na ang bentahan.

Tinutugis na ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang mga text blast machines na ginamit noong 2022 national elections na tila bagsak presyo na ang bentahan.

Karaniwang nakakabit ang text blast machines sa mga kompyuter o laptop, at ginagamit pag-send ng mga random na mensahe sa mga numero ng cellphone, ayon kay DICT Undersecretary Alex Ramos.

“Natural kapag may sumagot, automatic captured nila ‘yun. Bubugbugin nila ng messages ‘yun. Pero kapag hindi nagre-responde, hindi naman nila sinasagutan,” ani Ramos sa panayam niya sa “”Unang Balita”” Lunes ng umaga, Setyembre 4.

Marami nang nakumpiska ang mga awtoridad na makina, na nagmula sa China, dagdag pa ni Ramos.

“Kung maalala ninyo, nauso ito during campaign period. Ngayon, ito’y parang napakamura na. Nakabili kami ng napakamurang text blaster na made in China. Ang dami ho naming nahuling ganito,” aniya.

Patuloy pa rin ang pag-aral ng DICT sa iba pang mga diskarteng ginagamit ng mga scammer, lalo na pagdating sa computer-based transmission, kahit nakalipas na ang deadline sa mandatory SIM registration noong Hulyo 25, ayon kay Ramos.

Layunin ng SIM Registration Act na pigilan ang mga krimen tulad ng text at online scams sa pamamagitan ng pag-regulate sa benta at gamit ng SIM at pag-rehistro ng nito ng bawat gumagamit.