‘Di papatinag! Wescom tuloy resupply mission sa WPS

Tuloy pa rin ang Palawan-based Western Command (Wescom) sa kanilang gagawing rotation and reprovisioning (RORE) mission sa kabila ng pag-aatake ng China sa kanilang vessel sa West Philippine Sea (WPS).

Tuloy pa rin ang Palawan-based Western Command (Wescom) sa kanilang gagawing rotation and reprovisioning (RORE) mission sa kabila ng pag-aatake ng China sa kanilang vessel sa West Philippine Sea (WPS).

“What you are doing here has strategic implications. The whole world is watching us so let us continue with our determination and resolve to accomplish our mission and the conduct of our RORE operations,” pahayag ni AFP Chief Gen. Romeo Brawner Jr. nitong Martes sa Wescom headquarters sa Puerto Princesa City.

Ayon kay Brawner, hindi titigil ang kanilang gagawing ressuply mission dahil ang BRP Sierra Madre ay itinuturing na isang opisyal na barko ng Philippine Navy.

“Definitely, tuloy yung ating RORE mission dahil yung BRP Sierra Madre is considered a commissioned Philippine Navy (PN) ship at mga nakatao po dito ay mga sundalo ng AFP so it is our duty to continue bringing supplies to them to sustain them in their operations and to make sure that their morale, their welfare is taken care of,” saad nito.

Samantala, nakipagpulong na umano ang AFP sa PCG, PN, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, at iba pang ahensya ng gobyerno hinggil sa mga hakbang na dapat gawin upang maiwasan na ang nangyaring pag-water cannon ng Chinese Coast Guard sa Philippine vessel noong Marso 23.