‘Di papatinag sa China! Mangingisda patuloy maglalayag sa WPS

Nanindigan ang New Masinloc Fishermen Association na patuloy silang mangingisda sa West Philippine Sea (WPS) sa kabila ng regulasyon ang China na na ikukulong ang lahat ng matatangkang mag-trespass sa South China Sea.

Sinabi ni New Masinloc Fishermen Association President Leonardo Cuaresma na hindi umano sila patitinag sa mga babala sapagkat alam nilang sa teritoryo ng Pilipinas sila nangingisda.

Bukdo pa riyan ang wala rin naman silang hina-harass na nga Chinese.

“Hindi nila dapat gawin ‘yan sapagkat kami po, alam namin ang ating batas. Wala naman tayong nilalabag ayon sa ating fishery law. Bukod diyan ay wala naman kaming anumang binu-bully o hina-harass na mga kalahi nila,” ani Cuaresma sa Super Radyo dzBB.

“Alam namin na ‘yan ay teritoryo natin at pag-aari ng Pilipinas. Kung kaya’t wala silang dapat gawin sa bagay na ‘yan,” dagdag pa nito.

Samantala, maging si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay kinondena rin ang regulasyon ng China. Aniya, ang ganitong uri ng aksyon ay hindi matatanggap ng Pilipinas.