Di pa nakakamove on! Sexbomb Girls nasaktan nang mategi sa Bulaga

Inamin ni Rochelle Pangilinan na nasaktan ang mga miyembro ng Sexbomb Girls noong matanggal ito sa noontime show na Eat Bulaga.

Inamin ni Rochelle Pangilinan na nasaktan ang mga miyembro ng Sexbomb Girls noong matanggal ito sa noontime show na Eat Bulaga.

Sa panayam sa “Toni Talks,” sinabi ni Rochelle na wala silang natanggap na closure matapos matanggal sa show.

Bukod pa riyan ay nagkaroon umano ng hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng kanilang manager na si Joy Cancio at excutive ng Eat Bulaga.

“Wala kaming closure. Bigla na lang kaming nawala, ang SexBomb. Pero sa ‘Eat Bulaga,’ may nangyari sa’min na nagkaroon ng di-pagkakaintindihan ang mga boss natin at si Ate Joy [Cancio]. Nagte-taping kami ng ‘Daisy Siete’ tas binabalita ang usapan. Tapos nagkababaan daw ng telepono,” kuwento ni Rochelle.

Ibinahagi rin ng actress-dancer na nakaramdam sila ng sakit nang ipakilala sa Eat Bulaga ang EB Babes.

“Noong hindi na kami pumasok sa ‘Eat Bulaga,’ nagpa-audition sila ng dancers. Nagpa-contest sila, t’as siyempre, magaganda at bata. Masakit ‘yun sa’min. Parang pinalitan niyo kami, gan’un ang feeling namin n’un kasi lahat ng SexBomb, competitive,” dagdag pa nito.

Kabilang sa mga sikat na kanta ng Sexbomb Girls ay ang “The Spageti Song,” “’Di ko na mapipigilan,” at “Bakit Papa?”

PANOORIN: