‘Di nga? Promise? Bulacan Gob. Fernando, todo-deny na na-stroke

Pinasinungalingan ni Bulacan Governor Daniel Fernando ang mga balitang na-stroke diumano siya sa isang speaking engagement matapos maging viral ang video niya na tila nahihirapan sa entablado.

Pinabulaanan ni Bulacan Governor Daniel Fernando na siya ay na-stroke sa isang speaking engagement sa kapitolyo ng Bulacan noong Setyembre 11.

Una nang nagkaroon ng usap-usapan na na-stroke ang dating artista matapos maging viral ang isang video kung saan bigla na lamang nakapagsalita si Fernando habang nasa entablado.

Makikita rin sa nasabing video na may sinenyasan siyang indibidwal para lumapit sa kanya habang lumapit naman si Vice Governor Alex Castro upang siya ay kausapin.

Kita rin sa video kung paano kumapit si Fernando kay Castro at ang pagtulong sa kanya para makababa ng entablado.

Pinasinungalingan ni Fernando ang mga usap-usapan na dumanas siya ng stroke.

“Mga kababayan kong Bulakenyo, ‘wag po kayong mag-alala. Wala pong nangyari sa akin. Walang nangyaring stroke, ano po. Nagpapahinga lang po ako. Thank you,” paliwanag ni Fernando sa isang panayam sa GMA News.

Sinegundahan naman ito ng isang pahayag mula sa Bulacan Provincial Public Affairs Office na nagsasabing “exhaustion, overfatigue, and dehydration” ang dahilan kung bakit tila nahirapan si Fernando sa nasabing event.