‘Di nasindak! Pangungulit ng China vessel sa WPS, sinopla ng BFAR

Sinagot ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang radio challenge ng Chinese Navy sa Bajo de Masinloc sa West Philippine Sea (WPS).

Sinagot ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang radio challenge ng Chinese Navy sa Bajo de Masinloc sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon sa ulat ng ’24 Oras’ nitong Biyernes ng gabi, nagsagawa ang BFAR ng humanitarian mission para sa mga Pilipinong mangingisda na nasa WPS.

Nang malapit na sa Bajo de Masinloc ang eroplano ng ahensya, nakatanggap na sila ng radio challenge mula sa China.

“Philippine aircraft, this is Chinese Navy warship calling. You have approached the area adjacent to China’s Huangyan Island,” wika ng Chinese Navy. “To avoid miscalculation, please alter your course.”

Hindi naman nagpasindak ang co-pilot ng eroplano ng BFAR na si Colonel Charles Manalo.

“This is the Bureau of Fisheries and Aquatic Resources aircraft of the Philippine government conducting a lawful maritime patrol within the exclusive economic zone (EEZ) of the Republic of the Philippines,” sagot ni Manalo.

“Based on the 1982 UN Convention on the Law of the Sea, we are free to fly and operate as international law allows. China, as a signing member of the UNCLOS on December 10, 1982, you are requested to abide by the said convention,” dugtong pa niya.

Naging matagumpay naman ang humanitarian mission ng BFAR kung saan nakatanggap ng pagkain, tubig, at gasolina ang nasa 16 bangka ng mga mangingisdang Pinoy sa WPS.