‘Di namin sila kaaway! Joey de Leon nilinaw walang away Eat Bulaga, Showtime

Nilinaw ng host na si Joey de Leon na walang hidwaan sa pagitan ng mga host ng "Eat Bulaga" at mga host ng "It's Showtime."

Nilinaw ng host na si Joey de Leon na walang hidwaan sa pagitan ng mga host ng “Eat Bulaga” at mga host ng “It’s Showtime.”

Ayon kay Joey, hindi naman umano nagpaparinig ang It’s Showtime sa kanila, at hindi rin naman nila umano pinaparinggan ang mga ito.

“Ito’y para lang matapos ‘yung mga usap-usapan—unang-una, hindi namin kaaway ‘yung It’s Showtime,” pahayag nito sa isang Instagram video.

“‘Yung ‘Showtime,’ matagal na namin kapitbahay ‘yon. Hindi rin kami tinitira, hindi rin namin sila tinitira,” dagdag pa nito.

Dagdag pa ng host, nasa 15 taon na rin naman ang katapat na noontime show kaya wala siyang balak hamunin ang mga ito.

“15 years na nga ‘yung ‘Showtime.’ Bakit ko hahamunin yon?” sey pa nito.

Kamakailan kasi ay naglabas ng saloobin sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey ukol sa kumakalat na naba-bankrupt na ang Eat Bulaga.

Hamon ni Joey sa mga nagpapakalat nito: “Umabot lang kayo ng 15 years baka lumuhod ako sa harap nyo.”

PANOORIN: