‘Di nakakatuwa! BI napundi sa mga bomb joke

Matinding babala ang inisyu ng Bureau of Immigration (BI) ngayong Miyerkoles sa mga nag-iisip mag-bomb joke lalo na sa mga paliparan sa bansa.

Matinding babala ang inisyu ng Bureau of Immigration (BI) ngayong Miyerkoles sa mga nag-iisip mag-bomb joke lalo na sa mga paliparan sa bansa.

“Bomb jokes or any comments referencing explosives are not taken lightly, especially in sensitive environments like airports. Such actions can be construed as threats and may lead to exclusion or deportation if foreign nationals are involved,” saad ni BI Commissioner Norman Tansingco.

Ito ang babala ni Tansingco matapos mag-bomb joke ang isang ‘di pa nakikilalang babae sa isang eroplano ng Philippine Airlines na byaheng Japan ngayong araw.

Dahil sa bomb joke, limang oras na na-delay ang pag-alis ng naturang eroplano dahil kailangang pababain lahat ng pasahero upang masusing masuri ang buong eroplano.

“We urge all foreign nationals to exercise caution and refrain from making any statements or jokes that could be deemed as threats to security,” wika pa ni Tansingco.

“Our country remains hospitable for foreigners, but for only those who follow our laws,” dagdag pa niya.