‘Di na kinakaya init! Face-to-face class limitado sa Albay

Nagsagawa ng adjustment ang ilang local government unit (LGU) sa Albay pagdating sa face-to-face class.

Nagsagawa ng adjustment ang ilang local government unit (LGU) sa Albay pagdating sa face-to-face class.

Sa Camalig, pinag-utos ni Mayor Carlos Irwin Baldo Jr. na gawing modular ang klase sa hapon.

Tuwing alas-7 ng umaga hanggang alas-11 ng tanghali lang ipatutupad ang face-to-face class. Pagsapit ng hapon ay gagawin na ang modular learning para sa bahay na ituloy ang pag-aaral ng mga estudyante.

Bukod pa dito, hindi rin nire-require sa Camalig ang pagsusuot ng uniporme.

Sa Polangui, ipinatupad din ang half day na face-to-face classes at asynchronous classes sa hapon.

Samantala, sa Guinobatan at Libon naman ay pinag-utos na rin na magplano para sa modular o online class para hindi magdusa sa init ang mga estudyante.