‘Di na halos makagalaw: Edu Manzano, kinaladkad ng mga alagang aso

Dismayado ang batikang aktor na si Edu Manzano sa hindi niya pagpunta sa dalawang mahalagang okasyon gawa nang aksidenteng kinasangkutan niya ilang araw lamang ang nakakaraan.

Naaksidente ang batikang aktor na si Edu Manzano nang kaladkarin siya umano ng kaniyang mga alagang aso, na ipapasyal lang sana niya.

Dahil dito, sugat-sugat ang aktor at hindi na makalakad.

“It hasn’t been a great week. Due to an accident [with] my golden retrievers, I missed a wedding and a baptism due to my immobility,” kwento ni Manzano sa kaniyang post sa Instagram noong Oktubre 29. “Yesterday, [Dr. Mark Edmon Tan] had to extract another 30cc of fluid and blood from my knee after an initial 15cc the other day.”

Humingi rin ng tawad si Manzano dahil sa hindi pagdalo sa nasabing kasal at binyag at nangakong babawi siya “when I’m good enough to walk.”

Umani naman ng suporta si Manzano mula sa kaniyang mga kasamahan sa industriya, mga kaibigan, at maging mga tagahanga.