‘Di matitinag! Romualdez patuloy na ilalarga Bagong Pilipinas Serbisyo Fair

Determinado si House Speaker Martin Romualdez na ipagpatuloy ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) sa kabila ng mga negatibong komento tungkol sa naturang proyekto.

Determinado si House Speaker Martin Romualdez na ipagpatuloy ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) sa kabila ng mga negatibong komento tungkol sa naturang proyekto.

“Ito ang pangako ni Pangulong Bongbong Marcos, patuloy tayong mag-iikot at maghahatid ng tulong hanggang sa marating natin ang bawat sulok ng Pilipinas. Hindi tayo titigil kahit anumang pambabatikos at pangungutya ang ibato sa atin,” saad ni Romualdez sa ginanap na BPSF sa Calapan City, Oriental Mindoro ngayong Sabado.

“Sa kauna-unahang pagkakataon, sa kasaysayan ng ng ating bansa, si President Bongbong Marcos lang ang nakagawa ng ganitong klaseng programa,” dagdag pa ng mambabatas.

Ang BPSF ay programa ng administrasyong Marcos kung saan lahat ng pangunahing serbisyo ng gobyerno ay inihahatid sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas. Inilarga ang BPSF noong Setyembre 23, 2023.

Ang ginanap na BPSF sa Oriental Mindoro ang ika-13 lugar na dinayo ng naturang programa.