‘Di masakit! Kim Chiu dedma sa relasyong Xian Lim, Iris Lee

Tila naka-move on na ang aktres na si Kim Chiu dahil hindi ito apaketado sa pag-amin ng kanyang ex-boyriend na si Xian Lim na ito ay nasa dating stage na.

Tila naka-move on na ang aktres na si Kim Chiu dahil hindi ito apaketado sa pag-amin ng kanyang ex-boyriend na si Xian Lim na ito ay nasa dating stage na.

Ito ay matapos lang ang ilang buwan na paghihiwalay ng dalawa. Kamakailan lang ay inamin ng aktor na nagde-date na sila ng producer na si Iris Lee.

Sa noontime show na “It’s Showtime,” mapapanood na sinubukang tuksuhin nina Jhong Hilario at Vhong Navarro si Kim.

Habang kinakausap nila ang season two winner ng “Tawag ng Tanghalan Kids,” sinabi ni Kim: “Iba talaga ang Kim, ‘no? Sobrang galing kumanta.”

Sumang-ayon naman dito si Anne Curtis at sinabing mahal nila ang lahat ng may pangalang Kim.

Samantala, hirit ni Jhong Hilario: “Gusto mo interview-hin ka na lang namin?”

Kung saan sinagot ito ni Kim at sinabing: “Hindi! ‘Wag gano’n, ‘di masakit.”

PANOORIN: