‘Di man sasabak sa gyera: PBBM mas palalakasin AFP

Nangako si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na ibibigay niya ang mga kailanganing pagsasanay at kagamitan para sa Armed Forces of the Philippines (AFP) upang palakasin ang depensa nito laban sa mga panlabas na banta.

Nangako si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ibibigay niya ang mga kailanganing pagsasanay at kagamitan para sa Armed Forces of the Philippines (AFP) upang palakasin ang depensa nito laban sa mga panlabas na banta.

Binigyang-diin kasi ng Pangulo ang kahalagahan ng pagpapalakas sa AFP mula sa pagharap sa bantang kinakaharap ng bansa, partikular na sa West Philippine Sea (WPS).

“Now, I am sure that all of you are aware now that the internal threat has been reduced. We now have to also think about the external threat and that again is a different strategy that we will have to employ,” pahayag ni Marcos sa ginanap na camp visit sa Army’s 10th Infantry Division sa Mawab, Davao de Oro.

Subalit paglilinaw ni Marcos, hindi naman umano naghahanap ng digmaan ang Pilipinas sa anumang bansa.

Aniya, nasa “defensive mode” lamang ang ‘Pinas pagdating sa mga teritoryo nito.

“Hindi naman tayo nakikipag-giyera kahit na kanino. Wala naman tayong gustong pasukin. Tayo ay defensive lang naman tayo at dinedepensahan lang natin ang bansa natin,” paliwanag nito.

“Kaya’t ‘yan ang ating bagong threat na hinaharap ngunit kagaya ng sabi ko, kung nagawa ninyo ito dahil sa internal threat, ako’y malakas ang loob ko na kaya rin ninyong gawin pagka dumating sa tinatawag na external threat,” dagdag pa nito.